𝟰𝟳𝟲𝗞 𝗡𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗘𝗤𝗨𝗘 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥

Arestado sa isinagawang anti-illegal drug operation ng awtoridad ang isang barbeque vendor sa Brgy. San Vicente, Urdaneta City.

Kinilala ang suspek na si Alfie Caaya, 39 anyos, residente ng Brgy. Malabanias, Angeles City, Pampanga.

Nakumpiska sa suspek ang tumitimbang na 70 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa Php476,000.00.

Isinagawa ang buy bust operation matapos kumagat sa poseur buyer ang suspek.

Haharap naman ang suspek sa kasong RA 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments