𝟰𝟴 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗜𝗛𝗔𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗣𝗜 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗔𝗦𝗧 𝗚𝗨𝗔𝗥𝗗

CAUAYAN CITY – Malugod na tinanggap bilang bagong kasapi ng Coast Guard ang 48 na kababaihan mula sa Class 101 sa ginanap na reception rites ceremony na inilunsad ng Coast Guard District North Eastern Luzon (CGDNELZN).

Sa mensahe ni Coast Guard Captain Ludovico Librilla Jr., ipinaalala nito ang patuloy na pagsisikap at dedikasyon sa kanilang trabaho upang mahasa pa ang kanilang mga skills at expertise.

Dagdag pa nito, inaasahan niyang gagampanan ng mga bagong kasapi ang kanilang tungkulin at responsibilidad bilang isang Coast Guard.


Facebook Comments