Tuesday, January 27, 2026

𝟰 π—œπ—‘π——π—œπ—•π—œπ——π—ͺπ—”π—Ÿ, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—˜π—šπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π—£π—”π—šπ—§π—’π—§π—₯𝗒𝗦𝗒

Cauayan City β€” Bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa iligal na pagpuputol ng mga puno at pagkakaingin, matagumpay na naaresto ng kapulisan ng Isabela ang apat na indibidwal sa isang anti-illegal logging operation noong ika-25 ng Enero sa Barangay Dy Abra, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas β€œMon,” 51 anyos, alyas β€œFil,” 35 anyos, alyas β€œDing,” 35 anyos, at alyas β€œRon,” 25 anyos, pawang mga magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Naaresto ang mga suspek habang umano’y iligal na nagdadala ng mga pinutol na softwood na ikinarga sa isang motorsiklo nang walang kaukulang permit.

Nasamsam mula sa kanila ang apat na piraso ng softwood na may kabuuang sukat na 258 board feet at tinatayang halagang β‚±12,900, gayundin ang ginamit na sasakyan.

Ang mga ebidensya ay maayos na minarkahan at inimbentaryo sa lugar ng insidente sa tulong ng CENRO Cabagan. Dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang gamit sa Tumauini Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon, habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code of the Philippines laban sa kanila.

———————–
β€Ž
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments