Monday, February 2, 2026

𝟰 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗔𝗞𝗧𝗜𝗦 𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗧𝗢𝗠𝗘𝗧𝗥𝗬

Cauayan City — Apat na indibidwal ang inaresto ng mga awtoridad matapos mahuli sa entrapment operation dahil sa paglabag sa Republic Act No. 8050 o Revised Optometry Law of 1995 sa Barangay Progressive, Gonzaga, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Joms, 59 anyos; alyas Kewin, 23 anyos; alyas Mary, 46 anyos; at alyas Totoy, 33 anyos, pawang may kaugnayan sa isang optical clinic.

Isinagawa ang operasyon matapos ang ulat ng Integrated Philippine Association of Optometrists (IPAO) Cagayan Valley Chapter kaugnay ng planong medical mission ng grupo na walang kaukulang permit.

Nahuli ang mga suspek matapos tumanggap ng marked money na P500 bilang paunang bayad kapalit ng eye check-up at alok na salamin na nagkakahalaga ng P1,500.

Nabigo ang mga ito na magpakita ng awtorisasyon upang magsagawa ng medical mission. Nakumpiska sa kanila ang iba’t ibang optical equipment, mga salamin, resibo, marked money, P7,000 cash, isang sasakyan, at iba pang ebidensya.

Dinala ang mga suspek sa Gonzaga Police Station para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments