𝟰 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗘𝗣𝗜𝗧𝗢

CAUAYAN CITY – Arestado ang apat na indibidwal matapos maaktuhan ang mga ito na naglalaro ng Pepito sa Probinsya ng Cagayan.

Ayon sa ulat ng Cagayano Cops, ang mga nahuli ay nasa tamang edad na at residente sa bayan ng Sanchez Mira.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang set ng playing cards at bet money na P1,700.


Dinala sa Sanchez Mira Police Station ang mga suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Samantala, patuloy pa rin ang panghihikayat ng kapulisan ng Cagayan sa mga mamamayan na sumunod sa mga batas at lokal na alituntunin.

Facebook Comments