𝟱𝗞 𝗖𝗢𝗖𝗢𝗡𝗨𝗧 𝗧𝗥𝗘𝗘𝗦, 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗠𝗔𝗜𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗔𝗦𝗧𝗔𝗟 𝗔𝗥𝗘𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na target na maitanim ang limang libong coconut trees sa coastal areas at barangay ng lungsod. Kahapon, nauna nang itinanim ng kawani ng LGU at bangus deboners ang nasa 100 coconut seedlings sa Tondaligan Ferdinand National Park.

Bukod dito, itinanim din ang nasa 200 malunggay tree cuttings at inaasahang nasa 500 pa ang itatanim sa mga paaralan at barangay.

Ang naturang programa ay pagsuporta sa food security agenda ni PBBM at pagtataguyod ng kalusugan st mabuting nutrisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments