𝟱𝗞 𝗝𝗢𝗕 𝗩𝗔𝗖𝗔𝗡𝗖𝗜𝗘𝗦 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗥𝗢𝗘𝗦’ 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬

Kasabay ng pagdiriwang ng National Heroes Month isasagawa ang Pusong Bayani Job Fair sa Urdaneta City ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Limang libong job vacancies mula sa limampung local at overseas employers ang maaaring maapplayan ng mga job seekers sa darating na August 23, 2024, mula alas otso ng umaga sa isang mall sa lungsod.

Handog din sa unang isang daan at limampung mga aplikante ang instant prizes, gift packs para sampung Hired on the Spot (HOTS).

Inaaasahang makapagbibigay ng mas maraming oportunidad ang isasagawang Job Fair sa mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments