Wednesday, February 4, 2026

πŸ±π—§π—› π—œπ—‘π—™π—”π—‘π—§π—₯𝗬 π——π—œπ—©π—œπ—¦π—œπ—’π—‘, π—£π—œπ—‘π—”π—Ÿπ—”π—žπ—”π—¦ π—”π—‘π—š π—§π—˜π—₯π—₯π—œπ—§π—’π—₯π—œπ—”π—Ÿ π——π—˜π—™π—˜π—‘π—¦π—˜

β€Ž
β€ŽCauayan City – Pinalakas pa ng 502nd Infantry β€œLiberator” Brigade ang kanilang kahandaan matapos lumahok sa kauna-unahang Combined Arms Division Exercise (CADEX).
β€Ž
β€ŽLayunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng 5th Infantry Division (5ID) at mga yunit nito sa pagtatanggol ng bansa.
β€Ž
β€ŽTampok sa pagsasanay ang mission planning, Rehearsal of Concept drill, Tactical Exercise Without Troops, at pagbibigay ng Operational Order para maayos na ma-synchronize ang operasyon ng mga yunit sa simulated na sitwasyon.
β€Ž
β€ŽSa pagtatapos ng aktibidad, binigyang-diin ni Major General Gulliver L. SeΓ±ires, commander ng 5ID, ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pagsasanay sa pag-angkop ng Army sa external defense operations.
β€Ž
β€ŽNilinaw din ng mga opisyal na ang CADEX ay hindi nakatuon laban sa anumang bansa, kundi bahagi ng tungkulin ng Army na protektahan ang soberanya at mamamayang Pilipino.
β€Ž
β€ŽSource: 5th Infantry Division

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments