
Cauayan City – Dinakip ng mga awtoridad ang 53 katao kabilang na ang 6 na barangay kagawad sa Brgy. Maura, Aparri, Cagayan matapos masabat ang isang umanoβy ilegal na tupada kahapon ika-14 ng Enero.
Batay sa ulat ng pulisya, kabilang sa mga nadakip ang limang kagawad ng Barangay Maura na kinilalang sina alyas Rey, Fel, Mon, Cecilio at Carnelio, na sinasabing nagsilbing mga operator ng ilegal na sabong. Kasama rin sa mga inaresto si alyas Redge, isang barangay kagawad mula sa Barangay San Antonio, Aparri.
Naabutan umano ang mga suspek na aktibong nagpapatakbo at nakikilahok sa ipinagbabawal na tupada.
Nakumpiska sa lugar ang ibaβt ibang ebidensya gaya ng mga panabong na manok, mga tari at gamit nito, logbook, mga plakard na may markang βMeronβ at βWala,β isang sling bag, at bet money na nagkakahalaga ng β±36,933.
Dinala ang mga suspek at nakuhang ebidensya sa Aparri Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang proseso.
Samantala, pinuri ni PRO 2 Regional Director Police Brigadier General Antonio Marallag Jr. ang mga pulis na nagsagawa ng operasyon at nagpaalala sa mga halal na opisyal na maging huwaran sa kanilang mga komunidad at umiwas sa anumang uri ng iligal na gawain.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










