Monday, February 9, 2026

𝟱𝟴-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗣𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗘𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗦𝗢𝗟𝗜𝗩𝗘𝗡

Cauayan City – Binawian ng buhay ang isang lalaki habang sugatan naman ang 5 indibidwal sa nangyaring banggaan ng tricycle sa Brgy. Punit, Benito Soliven, Isabela kahapon, ika-8 ng Enero.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Benito Soliven Police Station, binabaybay ng dalawang tricycle ang magkasalungat na direksyon sa nabanggit na lugar.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente partikular na sa pababa at pakurbang bahagi ng kalsada, napunta sa kabilang linya ng kalsada ang tricycle na minamaneho ng biktimang si “Boy”, 58-anyos, residente ng San Mariano, Isabela, at hindi sinasadyang nasalpok nito ang noon ay kasalubong na tricycle.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang dalawang driver, ganundin ang 4 na pasahero ng nabanggang tricycle.

Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang mga nasaktan subalit sa kasamaang palad, dahil sa lala ng tinamong sugat ay binawian din ng buhay si “Boy”.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments