CAUAYAN CITY- Idinaos ang kauna-unang limang araw na selebrasyon ng Paddurufun Festival sa Brgy. Guayabal, Cauayan City, Isabela.
Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Daisy Maribbay, iba’t-ibang aktibidad ang tampok sa limang araw nilang pista kabilang ang karera ng mga daffug o kalabaw, bangkarera, at sumba ng mga nanay.
Aniya, ang tema ng kanilang pista ngayon ay ang pagpapanumbalik sa kanilang nakagisnan na tradisyon katulad ng kadang-kadang kung saan nakakalimutan na ito ng mga kabataan.
Dagdag pa niya, bagam’t nakakapagod ang limang araw na pagdiriwang sa pista ay nagagawa namang mapawi ang kanilang pagod dahil nakikita nila ang aktibong partisipasyon ng mga residente sa kanilang mga aktibidad.
Facebook Comments