CAUAYAN CITY- Puspusan ang isinasagawang National ID Mobile Registration ng Philippine Statistics Authority sa iba’t-ibang barangay sa bayan ng Echague, Isabela.
Ang naturang pagpaparehistro ay bukas para sa mga edad lima pataas kung saan ang mga benepisyaryo ay mula sa Brgy. Sta. Cruz, Busilelao, Tuguegarao, Sto. Domingo, San Antonio Ugad, at Sinabbaran.
Magsisimula ang naturang pagpaparehistro ngayong araw ika-4 ng Nobyembre hanggang sa ika-9 ng Nobyembre.
Samantala, kinakailangan lamang na magdala ng kaukulang dokumento ang mga magpaparehistro katulad ng kahit anong ID na tama ang information at may birthday at hindi pa expired, Birth Certificate Original, Employee ID, Passport, at Brgy. Clearance with picture.
Facebook Comments