𝟲𝟬𝟬 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗪𝗔𝗟𝗞 𝗙𝗢𝗥 𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗦𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗗𝗟𝘀, 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nagsagawa ng Walk for a Cause ang Urdaneta District Jail-Mail Dormitory para sa mga Persons Deprived of Liberty o PDLs nito sa Diversion Road,barangay Anonas Urdaneta City.

Aabot sa higit 600 indibidwal ang nakiisa sa naturang aktibidad na layong makakalap ng pondo para sa tatlong daan at walumput anim (386) na PDLs sa kanilang pasilidad.

Ang pondo ay gagamitin sa mga programa tulad ng livelihood sustainability para sa mga benepisyaryong PDL, konstruksyon ng child-friendly visitation area, jail library, at iba pang environmental initiatives.

Ang walk for a cause na ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika labing tatlo (13th) Community Relation Service Month. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments