𝟲𝟬𝟬 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗜𝗖𝗦

Nakatanggap ng tulong pinansyal ang mga residente sa bayan ng Bolinao mula sa programang Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang mga benepisyaryo ay mula sa 30 na barangay na may kabuuang 600 residente.

Kasama na rito ang mga senior citizens, persons with disabilities, mangingisda at mga magsasaka.

Naipamahagi ang tulong pinansyal na ito noong kasagsagan ng bagyong Carina kung saan nagamit ng mga benepisyaryo bilang kanilang karagdagang pambili ng kanilang mga pangangailangan sa gitna ng naranasang epekto ng habagat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments