𝟲𝟮-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗞𝗘 𝗡𝗜𝗧𝗢

Nagtamo ng sugat at injury sa kaliwang paa ang 62-anyos na ginang mula Brgy. Rizal, Natividad matapos masagi ng isang traktor na may hinihilang harvester sa likod nito.

Kinilala ang biktima na si Cristina Laureano lulan ng mountain bike nito. Nangyari ang insidente matapos umanong mag overtake ang traktor sa bike ngunit hindi natantiya ang kalagayan ng harvester sa likod na siyang nakabangga sa manibela ng bike ng biktima.

Agad namang nadala sa pagamutan ang biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments