Sinunog ng awtoridad ang mga shabu na narekober ng mga mangingisda na palutang lutang sa dagat ng Ilocos Sur.
Nasa siyamnaput tatlong (93) pakete ng shabu na Aabot sa animraan tatlumput dalawang (632) milyon ang ipinasok sa isang crematorium upang sunugin.
Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 ang pagsunog kasama na ang Philippine National Police Region 1, mga kawani ng probinsya ng Ilocos Sur.
Ang pagsunog sa shabu ay pagtitiyak umano na hindi na mapapakinabangan pa. Ayon kay Police Brigadier General Lou Evangelista, ang pakikipagtulungan ng publiko ay malaking bagay upang makamit ang kampanilya na mawakasan ang iligal na droga sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments