Dahil sa pinaigting na anti-criminality campaign sa Region 1, umabot sa 693 ang Naaresto ng pulisya na lumabag sa batas noong nakaraang buwan.
Timbog ang nasa 107 na katao sa isinagawang 119 na operasyon ng Police Regional Office 1 Kontra sa illegal na droga.
Nasamsam ng mga ito ang nasa 1. 4 milyon na halaga ng shabu at higit apat na milyon sa marijuana. Nasa siyam na katao naman ang naaresto sa pagkumpiska ng walong loose firearms.
Bukod dito nahuli ng awtoridad ang 22 most wanted personalities at 277 na other wanted. Samantala, timbog rin ang 268 na katao na sangkot sa illegal na sugal at nakuha ang nasa higit 89,000 na Taya ng mga ito.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments