Aabot sa higit anim na milyong piso ang halaga ng shabu na natagpuan ng isang mangingisda na palutang-lutang sa karagatan ng Bani, Pangasinan.
Ayon kay Police Captain Renan Dela Cruz, Public Information Officer ng Pangasinan Police Provincial Office, nasa 6, 123, 537 ang halaga ng shabu na na nakuha sa laot.
Kuwento ng mangingisda na si Mario Batalla, 40 anyos, pauwi na ito kasama ang ilang grupo ng mangingisda nang makita niyang lumulutang ang isang plastic pack na may foreign markings, 25 nautical miles west ng barangay Olanen sa Bani.
Nang makarating ang mga ito sa bahagi ng Abagatanen Agno Pangasinan agad na itinurn over ni Batalla ang shabu sa opisyales ng barangay.
Nang suriin, kumpirmadong shabu ang nakuha ng mangingisda sa baybayin.
Pinasalamatan naman ng Pangasinan PPO ang mangingisda dahil hindi ito nabulag sa mataas na presyo ng iligal na droga.
Nanawagan ang pamunuan ng Pangasinan PPO na kung sakaling may matatagpuan na kaparehas na plastic pack na mayroong foreign markings ay agad na issurender sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨