𝟳𝗧𝗛 𝗥𝗔𝗚𝗘 𝗗𝗔𝗡𝗖𝗘𝗥𝗦, 𝗣𝗔𝗠𝗕𝗔𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗨𝗣𝗥𝗘𝗠𝗔𝗖𝗬 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘𝗦

Pambato ng Dagupan City ang 7th Rage Dancers sa isang prestihiyosong Dance Supremacy International Philippines Competition na gaganapin sa Quezon City sa darating na ika-7 ng Setyembre ngayong taon.

Ang The 7th Rage ay mula sa Brgy. Bolosan, na nagsimula pa noong taong 2011.

Ilang kompetisyon na rin sa bansa ang sinalihan ng mga ito na humubog sa kanilang husay.

Ayon sa Isang miyembro ng grupo na si Ciara Lopez, marami ang gustong mapabilang sa kanilang grupo na ngayon ay mayroon ng 21 miyembro.

Pangarap ng grupo na maipakita ang galing ng kabataan ng Dagupan sa pagsasayaw hindi lang sa bansa maging sa international stage.

Ngayon pa lamang labis na ang pasasalamat ng grupo sa suporta na ipinapakita Dagupan City sa kanilang pang apat na kompetisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments