𝟳𝟳-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗚𝗨𝗘𝗬, 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡



Cauayan City — Isang 77-anyos na lalaki ang nasawi matapos umanong pagtatagain ng isang lalaki sa Barangay Mala Weste, Buguey, Cagayan pasado alas-dose y medya ng hapon noong Enero 4, 2026.

Batay sa ulat, isang concerned citizen ang tumawag sa Buguey Police Station upang ireport ang naganap na insidente.

Nang dumating ang mga awtoridad sa lugar, natagpuan ang biktima na wala nang buhay at may malalalim na sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Ayon sa mga saksi, armado umano ng humigit-kumulang 18 pulgadang bolo ang suspek at paulit-ulit na pinagtataga ang biktima hanggang sa ito ay mamatay.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo.
Isinagawa ang agarang paghahanap sa suspek na nagresulta sa pagkakaaresto nito sa kanyang tirahan sa nasabing bayan.

Nakumpiska rin ang bolong hinihinalang ginamit sa pananaga bilang ebidensya.
Sa isinagawang beripikasyon, napag-alamang ang suspek ay isang dating sundalo na AWOL at may umiiral na warrant of arrest kaugnay ng kasong panggagahasa, na agad ding isinilbi sa kanya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Buguey Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong murder. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa krimen.

Source: MCAD Buguey
Photo for Illustration Only

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments