𝟳.𝟱 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗔 𝗣𝗢𝗡𝗗𝗢 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗣𝗥𝗢𝗣𝗢𝗦𝗘𝗗 𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Inilatag ng Local School Board ng Mangaldan ang tinatayang P7. 5 million na pondo para sa sektor ng edukasyon sa 2025.

Sakop ng budget ang ilang imprastraktura tulad ng maintenance, construction at repair ng mga pampublikong paaralan at paglalagay ng angkop na pasilidad at kagamitan sa mga ito.

Kabilang din dito ang pagbili ng mga libro at periodicals ng mga mag-aaral sa susunod na taon maging ang pagpapabuti pa ng sports program ng mga paaralan at ang Early Child Care Development Program sa mga bata.

Sinisiguro naman ng lokal na pamahalaan na magagamit sa wasto ang naturang budget. Inaasahang maaprubahan ito sa pagtatapos ng buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments