𝟴 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗟

CAUAYAN CITY- Naaresto ng mga otoridad ang walong indibidwal matapos ang ikinasang anti-illegal gambling operation sa Brgy. Dagupan, Alicia, Isabela.

Ang mga naaresto ay nasa edad dalawampu hanggang apatnapu’t pitong taong gulang at pawang mga residente ng nasabing bayan.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, nakatanggap ng report ang mga otoridad mula sa isang concerned citizen hinggil sa nangyayaring sugalan sa lugar at dito narekober sa lugar ang mga baraha at pera.


Dinala ang mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa himpilan ng pulisya para sa karagdagang imbestigasyon at kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments