CAUAYAN CITY – Pormal nang ipinasakamay sa bayan ng Cabatuan, Isabela ang walong sub-projects na makatutulong para sa pag-unlad ng naturang bayan.
Pinangunahan ng DSWD Field Office 2 sa pamamagitan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS), Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program (KKB BP2P), katuwang ang LGU Cabatuan.
Binubuo ang walong sub-projects ng infrastructure, amenities, at equipment kagaya ng medical and emergency response equipment, paggawa ng drainage canal, pagpapatayo ng day care center at one unit classroom, maging sa pagsasaayos ng access road sa mga barangay.
Pinondohan ang mga nasabing proyekto sa ilalim din ng KALAHI-CIDSS – KKB BP2P, at lokal na pamahalaan ng nasabing bayan.
Dumalo sa turn-over ceremony sina DSWD FO2 RD Lucia Suyu-Alan, Municipal Local Government Unit na pinamumunuan ni Mayor Bernardo A. Garcia Jr., Acting Vice Mayor/SB member Benjamin Isabelo Dy, opisyales ng mga barangay, Barangay Develoment Council – Technical Working Group, at Municipal/Area Coordinating Team.