𝟴.𝟲 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡 𝗣𝗜𝗦𝗢 𝗞𝗜𝗧𝗔 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘𝗡𝗚 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗘𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢

Nabisto ang isinagawang sabwatan ng dalawang empleyado ng isang trading company sa Brgy. Concordia, Bolinao matapos tangayin ang P8, 614,766 sa kanilang kompanyang pinagtatrabahuhan.

Kinilala ang suspek na sina Jeanne Guantia at Geraldine Caacbay pawang mga cashier at internal auditor.

Ayon sa awtoridad, Nalaman ng may -ari ang insidente matapos mapansin ng Operation Manager ang malaking halaga ng pera na nawawala. Sunod itong napatunayan nang magsagawa ng cash count at audit sa koleksyon ng isa sa mga suspek.

Kasalukuyang inihahanda ang kaukulang kaso na haharapin ng mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments