Nasa higit kumulang siyamnapung porsyento sa rehiyon uno ang mga munisipalidad na mayroong Forest Land Use Plan ayon sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources Region 1.
Ayon sa tanggapan, kinakailangan na magkaroon ang mga local government units ng nasabing plano bilang parte ng paghahanda sa kanilang comprehensive land use plan maging pagpapanatili at maayos na paggamit sa kagubatan bilang natural resource asset.
Kasama rin ng DENR ang Department of Local Government o DILG sa panghihikayat sa mga LGU na mag implementa ng nasabing plano sapagkat isa rin ito sa kinakailangan upang magawaran ang munisipalidad ng Seal for Good Environmental Governance.
Ang Forest Land Use Plan ay pagpapanatili sa kagubatan at pagtukoy sa mga forest lands bilang natural resource assets na nakatutulong sa pagpapataas ng seguridad sa pagkain at biodiversity conservation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨