CAUAYAN CITY – Umabot na sa 90 katao ang nasawi matapos na lumabog ang kanilang sinasakyang ferry sa bahagi ng North coast ng Mozambique.
Ayon sa ulat, overloaded ang nasabing ferry na kung saan naglalaman ito ng 130 pasahero.
Ayon kay Jaime Neto, secretary of state for the province ng Nampula, ang mga ito umano ay lumisan sa kani-kanilang lugar upang makaiwas sa banta ng cholera outbreak.
Aniya, dahil sa kumalat na misinformation hinggil sa cholera ay nagpanic ang mga tao at nag desisyong umalis sa lugar at sumakay sa nasabing ferry na ginagamit lamang sa pangingisda.
Ang Mozambique at mga kalapit nito na Zimbabwe at Malawi ay naapektuhan nitong mga nakaraang buwan ng nakamamatay na kolera na kung saan hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ng paraan ang mga otoridad upang ito’y ma-contain.