𝟵𝟭𝟭 𝗘𝗠𝗘𝗥𝗚𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗘, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Inilunsad sa lungsod ng Alaminos ang 911 Live Emergency Response Technology bilang karagdagang equipment sa pagtugon sa emergency.

Ito ang magsisilbing monitoring device sa on-time situational response dahil sa CCTV, early warning at geographic information system.

Sa pamamagitan nito, mapapaangat ang seguridad ng mga residente at turista na bumibisita sa lungsod dahil mapapabilis nito ang pagtugon sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Kaugnay nito, hinikayat ng ng Pamahalaang Panglungsod ang iba pang LGU sa lalawigan na magkaroon din nito sa kabila ng iba’t-ibang kalamidad na nararanasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments