Mga batang edad 5-11 anyos sa Las Piñas City na nabakunahan laban sa COVID-19, nasa 28% pa lamang

Inihayag ngayon ng Las Piñas City government na mababa pa rin hanggang sa ngayon ang bilang ng mga batang edad 5-11 anyos na nabakunahan kontra COVID-19 sa Las Piñas City.

Sa katunayan nasa mahigit dalawamput dalawang libo pa lamang dito ang tuluyan ng bakunado kung saan katumbas ito ng 28% mula sa target na halos 80,000.

Paliwanag ng local government unit (LGU) nasa 33% naman o mahigit dalawamput anim na libong kabataan sa nasabing age group ang naturukan na ng unang dose na bakuna.


Dagdag pa ng LGU nasa mahigit limamput limang libong kabataang na may edad na 12-17 anyos naman ang ganap ng bakunado sa Las Piñas City.

Katumbas naman ito 91% mula sa mahigit mula sa mahigot animnapung libo na nakatanggap ng unang dose.

Hinihikayat ng Las Piñas City government ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak upang magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19.

Facebook Comments