12 lugar sa bansa, prayoridad sa COVID-19 vaccination drive

Tinukoy ng pamahalaan ang 12 lugar sa bansa na ipaprayoridad sa COVID-19 vaccination drive.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang ‘focused areas’ ay kinabibilangan ng sumusunod:

1. National Capital Region
2. Calabarzon
3. Central Luzon
4. Davao City
5. Cebu City
6. Cagayan de Oro
7. Baguio City
8. Bacolod City
9. Iloilo City
10. Zamboanga City
11. Tacloban City
12. General Santos City


Ang mga nabanggit na lugar ay bahagi ng patnubay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Local Government Units (LGUs) patungkol sa vaccination strategy.

Kabilang sa mga patnubay ng Pangulo ay ang pagtiyak na magkakaroon ng patas na access ng bakuna sa mga mahihirap at indigents.

Inabisuhan din ang mga LGU na ang mga health workers, sundalo, pulis, servicemen, at iba pang essential workers ay prayoridad para sa vaccine supply.

Facebook Comments