6-month-old baby ng mag-asawang Carlo Aquino at Trina Candaza, may natanggap na death threat

226

Inamin ng mag-asawang Carlo Aquino at Trina Candaza na mayroon nang pagbabanta sa buhay ang kanilang six-month-old baby na si Enola Mithi.

Sa Instagram stories ng mga ito, ibinahagi ng mag-asawa ang screenshot ng mga mensahe ng isang troll na naglalaman ng pagbabanta sa buhay ng kanilang anak.


Nilagyan naman ito ng caption ni Carlo na hindi makapaniwalang nagagawa ito ng isang tao at sinabing hindi naman worth it ang ganitong mga gawain.

Nagpahayag naman ng pagkagalit si Trina laban sa troll at sinabing nakakainis ang mga ganitong basher dahil gumagamit ng fake account at takot namang ipakita ang sarili.

Sa ngayon, hindi pa gumagawa ng aksyon ang mag-asawa laban sa troll.

Facebook Comments