Abot sa ₱11-B na halaga ng illegal drugs ang nailipat na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) OIC-Director Eric Distor, kabuuang 1,855.0 kilograms ng ilegal drugs ang nailipat sa pag-iingat PDEA noong April 11 at April 26, 2022.
Kabilang sa mga nai-turn over ay ang isang toneladang illegal drugs na nakumpiska noong March 15, 2022 sa Barangay Comon, Infanta, Quezon.
Nauna rito, isang team of Prosecutors, mga abogado ng mga arestadong drug suspects at mga court staff ng Infanta, Quezon ang dumating sa NBI Head Office para saksihan ang sample ng mga illegal na droga na ipinasakamay sa PDEA.
Facebook Comments