Nagtapos na bilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4PS ang 1, 149 na residente ng Bayambang.
Tumanggap ang mga ito ng sertipiko bilang pagkilala ng DSWD sa kanilang pagsisikap. Dumalo si mismong 4ps National Program Manager Gemma Gabuya sa naturang graduation ng mga ito.
Nagpasalamat ito sa kooperasyon at sakripisyo ng mga dating benepisyaryo upang maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.
Sa pamilya ng mga nagsipagtapos naitala dito ang 1, 277 na 4ps achievers sa elementarya at high school, 43 sa ESGPPA, pitong may trabaho at tatlong LET Passers.
Ang mga nagsipagtapos ay pinuri dahil nakamit ng mga ito ang self-sufficiency o antas kung saan hindi na sila maituturing na non-poor.
Pagtitiyak naman ng DSWD FO1 na hindi sila pababayaan at patuloy silang aalalayan sa pamamagitan ng sustainable livelihood program at tulong pinansyal gaya ng pampaaral at medikal. |ifmnews
Facebook Comments