1…2…3 !!! Sigaw ni FELINO BAUTISTA , Bago Pasimulan ang Sunog sa Brgy. Igualdad, Testimonya ng Kapitbahay. Suspect Nagtago sa Tinambac, Camarines Sur

Sumigaw pa ng 1..2..3!!! si Felino Bautista bago nito sinunog ang kanilang bahay na tumupok din sa sobra pito pang kapitbahay sa Brgy. Igualdad, Naga City, bandang 2 ng madaling araw ng New Year. Ito ay ayon sa testimonya ni Manuelito Ason, kapitbahay ni Bautista.
Nagkaroon na ng resulta ang paghahanap ng mga myembro ng Naga City Police Office (NCPO), kabilang na ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP), maging ng mga Barangay Tanod kay FELINO BAUTISTA na siyang itinuring na responsable sa pagkakaroon ng malaking sunog sa Zone 5, Barangay Igualdad, Naga City. Siyam na pamilya ang naapektuhan kung saan 6 na bahay ang kompletong nasunog at 2 iba pa ang partially burned.
Si Bautista ay sinasabing lasing na lasing at naghahanap pa ito ng away at nagbantang susunugin niya umano ang kanilang bahay.
Sa development ng balitang ito, nakapanayam ng DWNX Doble Pasada si PO2 Joven Lopez, investigator ng NCPO Precinct Number 1. Ayon kay Lopez, natukoy na nila ngayon ang kinaroroonan ni Felino Bautista. Isinuko kahapon ng kanyang tiyuhin si Felino Bautista sa Police Station ng Tinambac sa Camarines Sur. Kalat na sa Camarines Sur ang balita tungkol sa naganap na sunog at tanyag na rin si Felino Bautista bilang pangunahing taong responsible sa nasabing panununog.
Ayon pa kay Lopez, bagama’t nasa kamay na ng pulisya ng Tinambac si Bautista, hindi naman siya maaring ikulong dahil wala pa namang karampatang kaso na naisasampa laban sa kanya.
Samantala, ayon naman kay SPO2 Toby Bongon, spokesperson ng NCPO, talagang sinadya ang pagkakasunog sa nasabing bahay at may person of interest na silang sinusundan. Ang pahayag ni Bongon ay base naman sa testimonyas ng ilang mga nabiktima ng sunog.
Ayon din sa pahayag ni Barangay Kapitan ng Igualdad Antonio Galida, may mga biktima ng sunog na nagsabing isang Felino Bautista na lasing na lasing ng mga panahong iyon ang responsible kan nasabing malaking sunog. Ipina-blotter na pala si Bautista bago pa man naganap ang sunog dahil sa away pamilya kung saan nagbanta ito na susunugin niya umano ang kanilang bahay.
Sinabi rin ni Manuelito Ason, isa sa mga nasunugan, katabi lamang ng bahay nila ang bahay nina Bautista at narinig niya mismo ang pagbanta ni Bautista na susunugin nito ang kanilang sariling bahay at nagbilang pa ito ng 1-2-3. Maya-maya lamang ay nagliliyab na ang bahay nina Bautista at nagkalat din ang apoy dahil sa malakas ang hangin ng mga panahong iyon at tumupok din sa ilan pang mga kapitbahay.
Marami din ang nagpahayag ng kanilang galit kay Felino Bautista sa Social Media. Sa Bicol dialect, may nagsasabing “Dapat po pag nadakop si papay suluon naman sya dagos. Dai na pag ikulong ta saro pa yan sa pakakanon nin libre sa kulungan perwisyo.” “Dapat po madakop na iyan ta hirak man kan so mga nadamay atubangon nya katarantadohan nya,” “Pasaway c papay,kun tig sulo nya na lng sadiri nya,” dagdag ng ilan pang netizens.

Facebook Comments