Bilang paghahanda sa epekto ng pananalasa ng tropical depression Ambo.
Inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may inilaang 1.2 bilyong pisong halaga ang Department of Sosial welfare and Development (DSWD) para sa mga family food packs at standby resources na itutulong sa mga maapektuhang pamilya.
Sa inilaang 1.2 bilyong piso, 412,238 pesos ay family food packs, 780 million pesos ay halaga ng mga food and non-food items at 244 million pesos ay standby funds.
Sa ulat ng PAGASA, makakaranas ng malalakas na pagulan sa Mindanao at Eastern Seaboards ng Eastern Visayas, Caraga, Davao Oriental, at Davao Occidental.
Dahil dito magdudulot ito ng pagbaha at landslide na maariing makaapekto sa maraming pamilya.
Inaasahan magiging tropical storm ang tropical depression Ambo sa May 14 o May 15, 2020 at inaasahang magla-landfall sa Bicol Region Area.
Kaya magdadala rin ito ng malalakas na pagulan sa Bicol region at ilang bahagi ng Eastern Visayas.
Magdadala rin ito ng pagbaha sa CALABARZON, MIMAROPA, Central Luzon, Cagayan Valley, National Capital Region, Samar at Leyte provinces.