1.2 million tricycle drivers at operators, makakatanggap na rin ng fuel subsidy

75

Makakatanggap din ng fuel subsidy mula sa pamahalaan ang nasa 1.2 millon na tricycle driver at operators.

Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kung saan pinagsusumite na raw nila ang mga lokal na pamahalaan ng listahan ng mga kwalipikado para sa programa.

Ang listahan aniya na ito ang dadalhin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na siyang naka-toka naman sa pamamahagi ng subsidiya.


Nauna nang nakatanggap ng fuel subsidy ang mga driver at operator ng Public Utility Vehicles (PUV) kabilang na ang mga jeep na nasa tig-P6,500 bawat isa.

Facebook Comments