Aabot na sa labing pitong mga lugar sa bansa ang naapektuhan na ng bird flu.
Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI) hanggang August 1, 2022 ay nakapagtala sila ng virus sa ilang lalawigan.
Kabilang sa mga lugar na ito ang Pampanga, Laguna, Camarines Sur, Davao Sur, Region 4 at Bulacan.
Dahil dito, patuloy na sinisikap ng BAI na mapigilan ang pagkalat ng bird flu sa mga poultry farm sa bansa.
Kabilang na rito ang information dissemination, disease investigation, culling at pagpapatupad ng quarantine zone.
Sa ngayon, 189 na kaso ng bird flu virus ang naitatala sa bansa kung saan halos 200,000 manok na ang namatay na dahil dito.
1.2 milyong manok naman ang kinailangan patayin para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Kabuuang P122 milyong tulong pinansyal na ang naipamahagi sa mga apektadong nag-aalaga ng manok.