Umabot na sa 1250 na empleyado ng pribadong kompanya sa Ilocos Region ang natulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 na makuha ang kanilang benepisyo.
Ito ay kasunod ng pagresolba ng kanilang Request for Assistance (RFA) sa pamamagitan ng Single Entry Approach (SEnA) na pinangunahan ng ahensya.
Ang Single Entry Approach (SENA) ng DOLE ay isang administrative approach (conciliation-mediation intervention) para sa mabilis at madaling paraan ng settlement procedure sa mga labor conflicts between employer at kanilang workers, upang ang mga ito ay hindi na maging ganap na labor case.
Higit 30 milyong piso ang halaga ng monetary benefits ang iginawad sa mga workers na humingi ng tulong sa DOLE upang makuha ang kanilang benepisyo sa kani kanilang employers. |ifmnews
Facebook Comments