Naabot na ng Pilipinas ang pinakamataas na daily jab o nababakunahan kada araw.
Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., umabot sa 1,239,981 ang naiturok na mga bakuna nitong Nobyembre 11.
Sa nasabing bilang, 698,500 ang naiturok na first dose habang 541,481 ang naibigay na second dose.
Giit ni Galvez, nalulugod sila na makita ang pagsusumikap, determinasyon at sama-samang pagsisikap ng lahat ng sektor para maabot ang target na 1.5 milyon na mabakunahan kada araw.
Ang pataas aniya na trajectory ng arawang nababakunahan at patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases ay patunay na nasa tamang landas ang bansa para muling makabangon sa pandemya.
Facebook Comments