1.2M kabataan na may comorbidity, target na mabakunahan laban sa COVID-19

38

Target ng Department of Health (DOH) na makapagbakuna ng 1.2 million kabataan na may comorbidity laban sa COVID-19 kasabay ng pagsisimula ng pediatric vaccination.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ibinase ang bilang na ito sa 10 porsyento ng kabuuang 12.7 milyong kabataang edad 12 hanggang 17 sa bansa.

Kasabay nito, muli namang sinabi ni Vergeire na ang mga kasama sa pediatric vaccination ay kailangang mayroong pahintulot mula sa kanilang magulang at dapat ay mayroong assent o pagpayag nito na na mabakunahan.


Aniya, ang bawat kabataan na nabakunahan ay sasailalim sa 15 minutong monitoring habang 30 minuto ang ilalaan sa mga mayroong asthma, allergies at anaphylaxis.

Giit pa ni Vergeire, ang mga kabataan na kasama sa pediatric vaccination ay kailangan kasama sa mga nagparehistro at ipinagbabawal ang walk-ins.

Facebook Comments