Nakapagtala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng surplus na 1.3 billion US dollars na balance of payments (BOP) para sa March 2023.
Ito ay mas mataas kumpara sa US$754 million BOP surplus noong March 2022.
Ayon sa BSP, ang naitalang pagtaas sa surplus ay bunga ng pagtaas ng net foreign currency loans ng national government at ng mataas na net income mula sa investments sa abroad ng BSP.
Sa kabuuan, ang BOP surplus ng bansa sa unang 3 buwan ng taon ay pumapalo na sa US$3.5 billion.
Facebook Comments