Dismayado si Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan na hindi nakabuti sa gobyerno, sa mga mamimili, at sa magbababoy ang ibinabang taripa o buwis na ipinapataw sa imported pork.
Ayon kay Pangilinan, dahil dito ay P1.3 billion ang nawala sa koleksyon ng pamahalaan sa inangkat na karne ng baboy mula April 9 hanggang June 11.
Nakakapanghinayang para kay Pangilinan dahil nagamit sana ang naturang malaking halaga ng salapi pantulong sa mga maliliit na hog raisers gayundin sa pagpigil sa pagkalat ng African Swine Fever.
Ipinunto pa ni Pangilinan na hindi rin nagkatotoo ang pangako na ang ibinabang taripa ay magdudulot ng pagbaba sa presyo ng karne ng baboy.
Kaya tanong ni Pangilinan, sino ang nakinabang sa pagtapyas ng buwis sa imported pork.
Facebook Comments