1.3-M doses ng Moderna, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang karagdagang 1,353,800 doses ng Moderna COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno.

Alas-9:40 kaninang umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 1 ang flight CI701 ng China Airlines karga ang mga bakuna.

Personal itong sinalubong ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. kung saan ilalaan aniya ang mga bakuna para sa pediatric vaccination at booster shots.


Ayon kay Galvez, nasa 124 million doses na ng bakuna ang natanggap ng bansa kung saan 16 na milyon pa ang inaasahang darating hanggang sa katapusan ng Nobyembre.

Gagamitin ito hanggang sa matapos ang 2021 habang ang mga bakunang ide-deliver sa bansa sa Disyembre ay ilalaan para pagtuturok ng booster shots sa unang quarter ng 2022.

Facebook Comments