Sinimulan nang busisiin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang abot sa 1.3 milyong sambahayan o household na nasa listahan ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon sa DSWD, mula sa 1.3 milyong household na isinailalim sa validation, may 196,539 households ang naalis na sa listahan matapos makitang nagkaroon na ng improvement sa kanilang kabuhayan.
Kaugnay nito, iniutos na rin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang reassessment sa natitirang mga benepisyaryo na maituturing nang “non-poor.”
Aniya, gagamiting sukatan ng DSWD sa kanilang assessment ang Social Welfare and Development Indicators (SWDI) tool.
Una nang tiniyak ng DSWD na hindi pababayaan ang mga pamilyang nagsisipagtapos sa 4Ps dahil ang mga ito ay tutulungan ng LGUs sa kanilang pangangailangan.