1.3 million 4Ps beneficiaries, makakatanggap din ng SAP

Makakatanggap ng emergency subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ang nasa 1.3 million beneficaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na nakatira sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) areas.

Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, tulad ng first tranche, ang mga benepisyaryo ng 4Ps ang unang makakatanggap ng cash aid lalo na at sila ay dumaan na sa deduplication process.

Dagdag pa ni Paje, naghahanda na rin sila para sa payout ng karagdagang 5 million “waitlisted” beneficiaries.


Nagpaalala muli siya sa mga lokal na pamahalaan na tukuyin ang mga kwalipikadong benepisyaryo sa kanilang nasasakupan na hindi pa nakakatanggap ng ayuda.

Hinihikayat ng DSWD ang mga qualified beneficiaries na hindi pa nakakatangap ng unang tranche na sumadya sa kanilang local social welfare and development offices para maisama sila sa programa.

Facebook Comments