1.33 million na mga estudyante, nakinabang sa Free Higher Education Act nitong 2019

Ipinagmalaki ng Commisison on Higher Education (CHED) na tumaas ang bilang ng mga estudyante na benepisyaryo ng kanilang mga programa.

Sa pagdinig ng 2021 budget ng CHED sa House Committee on Appropriations, sinabi ni CHED Chairperson Prospero de Vera na tumaas sa 1.33 million sa 2019 mula sa 1.18 million noong 2018 ang mga nag-enroll sa mga State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs) sa ilalim ng RA 10931 o Free Higher Education Act.

Tumaas din sa 557,000 ang mga mag-aaral na nabigyan ng college subsidy nitong 2019 mula sa 288,000 na estudyante noong 2018 at patuloy rin ang CHED sa pagbibigay ng Tulong-Dunong Scholarship program sa mga deserving students.


Sa kabuuan, ay aabot na aniya sa 1.79 million na mga college student ang natulungan ng CHED sa kanilang mga programa kumpara sa 1.47 million noong 2018.

Sinabi ni de Vera na kung ikukumpara sa mga nakaraang administrasyon, ay mataas ang bilang ng mga estudyante sa higher education na natulungan ng ahensya na umabot na sa mahigit 50%.

Sa 2021, tumaas sa 6.39% o P50.928 billion ang pondo ng CHED kumpara sa P47.906 billion ngayong 2020.

Facebook Comments