1.36 milyong pisong halaga ng shabu, nakumpiska ng mga otoridad sa buy bust operation sa Tondo, Manila

Narekober ng mga Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agents sa kanilang ikinasang buy bust operation sa Tondo, Manila ang aabot sa 1.36 milyong pisong halaga ng shabu.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief BGen. Rhoderick Augustus Alba, ang milyong pisong halaga ng shabu ay nakuha sa pag-iingat ng isang 47 anyos na drug suspek na kinilalang si Maria Mustapha Kamilan na naaresto sa ikinasang operasyon.

Sa ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act ang babaeng drug suspek.


Tiniyak ni PNP Chief General Dionardo Carlos na nagpapatuloy ang effort ng PNP para i-monitor ang production at trafficking ng ilegal na droga.

Dahilan aniya ito ng pagkakaaresto nang mas marami pang mga drug suspek.

Facebook Comments