Pasado at aprubado na ang matagal nang nakabinbing annual budget ng lungsod ng Dagupan para sa Calendar Year 2023 na nagkakahalaga naman ng 1.3 billion pesos.
Ito ay matapos aprubahan ang Draft Resolution 0835 sa third at final reading nito sa naganap na regular session ngayon araw ng Martes, Sept. 26, sa Sangguniang Panlungsod session hall na dinaluhan ng mga konsehal ng lungsod.
Matatandaan na naging mainit ang isyu ng pondo ng lungsod noong mga nakaraang buwan at makailang beses ang ginawang pagdinig dito sa committee at plenary level man upang talakayin pa ang nakapaloob at kinakailangan na mga usapin kaugnay sa nasabing annual budget.
Sa kasalukuyan hanggang sa ngayong araw na aprubado na ang budget para sa Dagupan City, ay nasa re-enacted budget muna ang ginagamit ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa mga programang umaarangkada para sa mga Dagupeño. |ifmnews
Facebook Comments