Mayroong nang nakaantabay na 1.3 million family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang tugunan ang pangangailangan ng local government units (LGUs) na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na bumabangon matapos ang pananalasa ng mga nagdaang bagyo, bukod pa sa inaasahang pananalasa ni Bagyong Pepito sa bansa.
Patuloy na pinalalakas ng ahensya ang repacking efforts sa ang dalawang supply lines.
Sabay-sabay na rin ang ginagawang procurement para naman sa mga pre-packed foods upang mapabilis ang prepositioning ng mga FFPs sa mga lugar na inaasahang tatamaan ng Bagyong Pepito.
Ang unang supply chain ay nakatuon para sa improvement ng production capabilities at pagproseso nito sa National Resource Operations Center (NROC) ng DSWD sa Pasay City, Visayas Disaster Resource Center (VDRC) sa Cebu, at iba pang warehouse at storage facilities sa may 16 DSWD Field Offices.
Kasalukuyang gumagana na ito sa DSWD Central Luzon hub sa San Simon, Pampanga upang mapabilis ang pamamahagi ng relief assistance.
Magdaragdag ang ahensya ng daily production ng FFPs ng hindi bababa sa 50,000 at 85,000 kahon kada araw.