Nasabat ng Armed Forces of the Philippines–Western Mindanao Command (AFP-WESMINCOM) katuwang ang Bureau of Customs ang 19,000 na kahon ng puslit na cigarilyo sa isang bodega sa Indanan, Sulu.
Ayon sa AFP-WESCOM, tinatayang nagkakahalaga ang kontrabando ng 1.4 billion pesos.
Nai-transport na ang mga nasabat na produkto sa Port of Zamboanga para sa imbentaryo.
Nitong nakaraang linggo lamang ay nasamsam naman ng mga otoridad ang 1.4 million pesos na smuggled cigarettes sa Maynila.
Facebook Comments