1.4 billion pesos, naipamahagi ng DA sa benepisyaryo ng SURE Aid program

Nakapagpalabas na ang Department of Agriculture (DA) ng ₱1.4 billion sa mga benepisyaryo ng Survival and Recovery Assistance Program o SURE Aid Program para sa mga magsasaka.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nakapaloob dito ang ₱767 milllion na naipamahagi sa 30,699 na magsasaka sa ilalim ng Expanded SURE Aid Program.

Sa ilalim ng programa, ang mga magsasaka ay bibigyan ng loan ng hanggang ₱25,000 na may 0% interest at maaari nilang bayaran ng 10 taon na walang kolateral.


Nitong Abril, nakapamahagi na rin ang DA ng nasa tatlong bilyong pisong halaga ng ayuda sa mga magsasakang apektado ng COVID-19.

Bukod dito, nasa ₱646 million na halaga ng SURE Aid ang naipamahagi sa Micro, Small, at Medium Enterprises (MSMEs).

Facebook Comments